This forum is for students of MinSCAT Bongabong Campus who are currently taking Bachelor of Science in Information Technology. All BSIT Students from Minscat Bongabong Campus are welcome here!


    Forum Rules and Guidelines

    Share

    Admin
    Admin

    Posts : 8
    Join date : 26/04/2010
    Age : 24
    Location : 2 steps behind you

    Forum Rules and Guidelines

    Post  Admin on Mon 26 Apr 2010 - 12:41

    Kung maaari lamang po ay sundin natin ang mga paalala na ito upang maiwasan ang anumang kaguluhan o hindi pagkakaintindihan at magkaroon tayo ng masayang pagsasama at maayos na Forum.


    MGA DAPAT GAWIN (DO's)


    1. English at tagalog lamang ang pwedeng gamitin sa pag-post ng messages sa forums at shoutbox. Maliban na lang sa mga threads na para talaga sa ibang dialects. Iwasan din nating gumamit ng mga sms-type words o phrases tulad ng "d2 n me, wer n b u?".

    2.Kung gagawa ng bagong thread, lalu na yung mga bagong members, siguraduhin na nasa tamang forum o category. At i-double check din ang forum o thread title bago mag-post ng messages.

    3. Bago magtanong o mag-request, gamitin muna ang search button.

    4. Maging friendly at irespeto ang lahat ng users ng ating Forum.

    5. Sundin ang standards na ginawa ng IT Society Staff (standard settings para sa avatar, signature, profile picture, specific forum rules, reminder, etc.).



    MGA HINDI DAPAT GAWIN (DONT's)

    1. Ang pag-insulto, o anumang matinding pananakit ng damdamin ng ibang tao, kabilang na ang paghamak, pag-harass, pananakot, paninirang-puri, o pag-abuso sa ibang tao o institusyon.

    2. Pag-hack, pag-iba o pag-alis ng copyright notices at attributes (maliban na lang kung may permiso ng author o may-ari), pornographic or anumang may kinalaman sa pag-exploit ng mga batang under 18 years old, bestiality, extreme violence, at sinasadyang pag-post ng viruses at malicious softwares.

    3. Spamming o pag-post o pag-send ng PM/email ng walang saysay o hindi kinakailangang messages (kabilang na ang pag-post ng isa o dalawang smilies na wala namang kinalaman sa topic), o pag-post ng dalawa o higit pang messages na may parehong nilalaman.

    4. Flooding o pagpost ng mga messages sa magkasunod na pagkakataon sa loob lamang ng maikling oras (gamitin ang edit button kung may nais idagdag o baguhin sa post, at multi-quote button naman kung may gustong i-quote na higit sa isang post).

    5. Malaswa, immoral, o hindi wastong images o salita sa signature, avatar, at profile.


      Current date/time is Sat 10 Dec 2016 - 7:05